Ni JIMI ESCALA

Sharon CunetaMULA sa aming Kapamilya source, nalaman namin na isa sa mga pinagpipilian ngayon para maging kapalit ni Sarah Geronimo bilang isa sa coaches ng The Voice si Sharon Cuneta. 

Pero kahit wala pa namang pormal na pahayag kung sino ang papalit kay Sarah ay sari-saring reaksiyon na raw agad ang natatanggap nila. 

“‘Kaloka, parang ayaw yata ng karamihan na maging isa sa mga coach ng The Voice si Sharon. But in fairness, eh, may mga positive reaction din naman,” sey ng kausap namin. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pati sa social media, may mga ayaw rin daw kay Sharon.

“Bakit naman si Sharon? Singer siya pero hindi siya kasing galing ni Lea o ni Sarah. Puwede pa sina Charice (Pempengco) or Lani (Misalucha) pero Sharon huwag naman,” komento raw ng isang netizen. 

Banggit naman ng isang katoto, wala namang duda na magaling si Sharon as an actress at pati na rin bilang mang-aawit pero hindi raw bilang pamalit kay Sarah as coach, huh!

“Sharon Cuneta na ‘yan, megastar pa pero as a judge, eh, sobrang hindi bagay. Tawa nang tawa lang ‘yan. At lahat sa kanya magaling. Safe lagi ang mga comments niya. Parang natatakot siyang sabihin kung ano talaga ang totoong nakikita niya sa contestant,” sey ng aming katoto.

Dagdag pa ng kausap namin, kadalasan daw ay nakikitaan ng “favoritism” si Sharon. Marami pa naman daw Kapamilya singers na pupuwedeng pumalit kay Sarah, huh!

Pero ang personal naming opinyon, mas mabigat ang programa kung isa si Sharon sa mga poposte sa show. Ano ba naman, hindi na rin matawaran ang achievements ng nag-iisang Megastar!