Ni NITZ MIRALLES

Aly at KC MATITIGIL na ang bangayan ng fans na gusto si KC Concepcion para kay Piolo Pascual at ng fans na gusto si KC kay Paulo Avelino. 

Matitigil na rin ang pagrereto kay KC ng kanyang fans sa mga bachelor from showbiz and non-showbiz dahil in-announce na ni KC that she’s dating Azkals player Aly Borromeo.

Noong wala pang nababalitang nakaka-date si KC, nag-aaway ang fans niya kung sino kina Piolo at Paulo ang mas bagay kay KC. Meron ding fans na naghahanap nang manliligaw at magiging BF ng dalaga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero ngayong may Aly Borromeo na si KC, tiyak na (medyo) mananahimik ang KC-Piolo at KC-Paulo fans. They are now rooting for Aly at pumupunta pa sila sa Instagram account ni Aly para sabihing bagay sila ni KC at sana, maging sila na at maging forever ang kanilang magiging relasyon.

May ilang fans si KC na sinasaway ang mga excited na co-fans niya na magkaroon na ng love life ang singer-actress. Nakakahiya raw ang kanilang ginagawa at parang pini-pressure nila ang Azkalz player.