MAYANTOC, Tarlac - Halos mataranta sa takot ang mga dumalo sa isang wedding party makaraang mapatay sa bugbog ng isang naghuramentadong college student ang isang 53-anyos na lalaking bisita sa kasiyahan sa plaza ng Barangay Maniniog sa Mayantoc, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Zaldy Millagracia ang nasawi na si Pedro Basilio, habang arestado naman ang suspek na si Viel Joe Quita, 20, binata, kapwa taga-Bgy.Maniniog, Mayantoc.

Ayon sa report, dakong 3:20 ng umaga at nakikisaya si Basilio sa ilang bisita sa wedding party nang biglang magwala ang lasing na suspek at naghamon ng away.

Nabatid na napagbuntunan nito ng galit si Basilio at binugbog, partikular sa ulo, hanggang sa mapalupasay ito, bago dalawang beses umanong hinataw ng suspek ang ulo ng matanda sa semento. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog