SAN NICOLAS, Batangas - Patay ang isang matandang mangingisda matapos umanong malunod sa Lawa ng Taal, sa bahagi ng San Nicolas, Batangas.

Narekober ng kasamahang mangingisda si Elpidio Arriola, 65, taga-Barangay Poblacion sa naturang bayan.

Ayon sa report ni PO3 Bembol Cortiguerra, dakong 6:00 ng hapon nang nagtungo sa lawa ang biktima para mangisda subalit hindi na ito nakauwi ng bahay.

Dinala sa Redondo Funeral Parlor sa Bgy. Palanas sa Lemery ang bangkay ni Arriola. (Lyka Manalo)

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!