WALANG humpay ang saya sa bahay sa todo sine marathon na hatid ng ABS-CBN TVplus at ABS-CBNmobile sa Kapamilya Box Office (KBO) na libreng mapapanood ang ilang certified Pinoy blockbuster movies hanggang Abril 17.

Ngayong Sabado at Linggo (Abril 9-10), handog ng KBO ang mga pelikulang tumatak sa bawat Pilipino tulad ng You Changed My Life, You Got Me at Status: It’s Complicated na siksik sa kilig pati na ang nakakakilabot na kuwento ng horror film na Tragic Theater.

Sa Abril 16 at 17, todo-todo rin ang bonding ng pamilya sa bahay sa mga ibibidang pelikula ng KBO sa ‘mahiwagang black box.’

Kabilang rito ang tambalang Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa Don’t Give Up On Us, ang rom-com nina Iñigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada na Relaks, It’s Just Pag-Ibig, ang supernatural horror film na T2 ni Maricel Soriano, at ang action spy comedy film na Agent X44 nina Vhong Navarro at Mariel Rodriguez.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Bukod sa libreng sine, may kasama pang libreng catch-up marathon ng Dolce Amore, ang number one kilig serye sa bansa nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Para mag-subscribe sa libreng trial ng Kapamilya Box Office, i-text ang KBO sa 2131 gamit ang ABS-CBNmobile prepaid SIM. Pag rehistrado na, kailangan lang i-press ang SCAN sa TVplus remote control para i-activate ang KBO sa 7th channel ng ABS-CBN TVplus.

Para sa mga TVplus users na wala pang ABS-CBNmobile prepaid SIM, maaaring bumili nito sa SM store, 7-Eleven Store, at pati sa ABS-CBNmobile store. Pwede ring mag text sa 23661para mag-order ng prepaid SIM for delivery.

Maaari ring makabili ng ABS-CBN TVplus boxes na may kasama ng ABS-CBNmobile prepaid SIM sa lahat ng accredited retail outlets, sales agents, at dealers.

Ang Kapamilya Box Office ay available sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, Metro Cebu at Metro Davao.

Maki-join sa Kapamilya Box Office free trial hanggang Abril 17 para mag-good time kasama ang buong pamilya.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa promo, i-text ang KBO INFO sa 23661 at bisitahin ang http://tvplus.abs-cbn.com/”>tvplus.abs-cbn.com.