ITATAMPOK ang karumal-dumal na sinapit ng Villanueva family sa Imbestigador ngayong Sabado (April 9) sa pagganap nina Nonie Buencamino, Lovely Rivero, at Karl Medina.

Tahimik at simple ang pamilya Villanueva sa Quezon City. Subalit sa isang iglap, ang pamilyang dating buo ay nauwi sa pagkalagas ng dalawa. Madaling araw ng Pebrero ngayong taon nang salakayin ang buong pamilya sa loob kanilang tirahan. Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-inang Princesita at bunsong anak na si Christian. Himala namang nakaligtas ang padre de pamilya na si Ruben.

Ilalantad ni Ruben ang mapait na dinanas ng kanyang pamilya. Ano nga ba ang motibo at sino ang mga nasa likod ng krimen? Mapanagot kaya sila ng batas?

 

Karina Bautista, PH navy reservist na

Tutukan ito ngayong Sabado kasama si Mike Enriquez sa Imbestigador, pagkatapos ng CelebriTV, sa GMA.