NANG masulat na break na sina Kiko Estrada at Kim Rodriguez, agad naming binisita ang Instagram (IG) account ng dalawa at agad namin napansin sa IG ni Kiko na deleted na ang pictures nila ni Kim. 

Pero sa IG ni Kim, may pictures pa rin sila ni Kiko, hindi pa niya binubura ang mga litrato nila o baka wala pang time magbura.

Sa nabasa naming interview kay Kiko, itinanggi niyang break na sila ni Kim, pero paano nila ipapaliwanag ang missing pictures ni Kim sa IG niya? Pati ang pictures ng aktres na kasama ang mom ni Kiko at mga kapatid, burado na rin.

In fairness, sa IG ni Kim, pati ang dog na si Chewbacca na gift ni Kiko sa kanya, hindi niya binubura. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aalamin namin kung ano ang real score sa dalawa, kaya lang ‘pag nakaiusap silang off-the-record ang kanilang isasagot sa aming itatanong, sorry na lang, hindi namin isusulat.

Anyway, napansin lang namin na tila walang time malungkot si Kim dahil sunud-sunod ang taping sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Hanggang Makita Kang Muli.

Kinaiinisan ang role ni Kim sa drama series dahil bilang si Claire, kinakawawa niya si Ana (Bea Binene). Napanood namin ang eksenang sinabunutan, pinalo ng laptop at sinampal niya si Bea. Nabanggit niyang may eksena pang sinipa niya si Bea na kahit ayaw niyang gawin, kailangan niyang sumunod sa script.

“Natatakot ako sa fans ni Bea, marami sila at ‘pag nagalit sila sa akin, baka i-bash nila ako. Pero takot din ako kay direk Laurice (Guillen). Ayaw ko nang magalit uli siya sa akin, kaya kung ano ang nasa script, sinusunod ko,” kuwento ni Kim nang humarap sa presscon ng Hanggang Makita Kang Muli. (Nitz Miralles)