UNANG ipinakilala sa It’s Showtime ang Hashtags, ang all-male group ng mga poging bagets. 

McCoy de leonAng iba, gaya nina Zeus Collins at Jimboy ay galing sa Pinoy Big Brother. Si Jameson naman ay unang napanood sa isang softdrink commercial, si Ryle ay anak ng dating aktres na si Sherilyn Reyes (kay Reily Santiago, kapatid ng aktor na si Raymart) at ang iba naman ay dumaan sa audition gaya nina Nikko, Tom Doromal, Luke, McCoy de Leon at Ronnie Alonte.

Subalit sina Ronnie at McCoy ang dalawa sa sinasabing pinakasikat among Hashtags members. 

Si Ronnie ay naging bida na sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, si McCoy naman ay kasama sa cast ng We Will Survive na pinagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros. 

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, Joshua Garcia nagkita sa ABS-CBN Christmas Special?

Nang kapanayamin si McCoy, aminado siyang bukod sa kanya, si Ronnie ang itinuturing niyang kasalo sa kasikatang tinatamasa ng grupo. Sino ang mas tinitilian sa grupo nila?

“Para sa akin po, parang si Ronnie po talaga. From the start naman po, si Ronnie po talaga ang pinakaklik po sa amin. Ang dami niya rin pong fans, ibang klase po talaga si Ronnie,” sey ni McCoy.

“Ako po kasi, parang tina-try ko rin lang ‘yung best ko para siyempre mapantayan or mahigitan din. Siyempre, sa Hashtags po, kailangan may kompetisyon din, lalo na pare-pareho kaming lalaki.”

Si Ronnie kung ganoon ang kanyang mahigpit na kakumpetensiya sa pasikatan at paramihan ng fans.

“Si Ronnie, lahat ng moves niya patok palagi, mga kanta niya, videos niya. Siguro ako, iba ‘yung atake ko. More on acting ‘yung sa akin, more on sa serye… heto nga, may We Will Survive ako. Siya siguro kasi, mas gusto niyang mag-perform o kumanta… ‘yon po,” ani McCoy.

Nilinaw ni McCoy na magkakaibigan pa rin sila sa kabila ng competition at madalas na pagkukumpara sa kanilang dalawa.

“Para sa amin ni Ronnie wala namang kompetisyon. Go with the flow lang kaming dalawa. Masaya kami para sa isa’t isa,” sey  niya.

“Sa mga nangyayari po sa amin, masaya naman po kami. Never naman po kaming nagkainggitan. Mas friends pa nga po kami ‘pag off cam, eh. Kasi nga, di ba, pagkasayaw, ano ‘yan, eh, hatawan ‘yan ‘pagka sa TV. Pero ‘pag off cam, lalong… mas natural kami.” 

Kung tungkol naman sa mga babae ang pag-uusapan, tikom ang kanyang bibig.

“Sa amin po kasi parang hindi na namin naiisip ‘yon, eh. More on ano kami, ano ba ‘yung sayaw namin bukas, saan kaya kami maggi-guest, magkaka-show ba kami? Pero siyempre, parang inspiration din ‘yung ibang babae,” safe niyang pahayag. —Ador Saluta