LOS ANGELES (AFP) – Pinasok na rin ng Hollywood celebrity na si Whoopi Goldberg ang negosyo sa pagpapatayo ng cannabis business kaya magbebenta siya ng medical marijuana products para sa kababaihan.

Sinabi ng komedyana nitong Miyerkules na nakipagtulungan siya kay Maya Elisabeth, ang founder ng Om Edibles, sa pagbuo ng mga produkto na makatutulong sa kababaihan tuwing sila ay dinadatnan at labis-labis ang pagkirot ng puson.

Ito ay tinawag na “Whoopi & Maya”.

Tsika at Intriga

BINI Maloi tinalakan sa pagrepost ng isang video: 'Educate yourself!'

“This was all inspired by my own experience from a lifetime of difficult periods and the fact that cannabis was literally the only thing that gave relief,” pahayag ni Goldberg.

Sinabi ni Goldberg na ang nasabing produkto ay mabibili sa marijuana dispensaries sa California.

“Even Queen Victoria found relief once a month with her favorite THC infused tincture,” ayon sa website, tinutukoy ang chemical compound ng marijuana.

Nagsimula si Goldberg sa kanyang bagong pinagkakaabalahan noong panahong umuusbong ang bilihan ng marijuana sa United States, at ang California ang isa sa may pinakamalaking pamilihan.

Ayon sa ArcView Market Research, ang bentahan sa US ng legal cannabis ay tumaas ng 24 porsiyento sa pagitan ng taong 2014 at 2015 at umabot ito sa $5.7 billion. At ito ay inaasahan pang tataas hanggang sa $7.1 billion ngayong 2016.

Ang nasabing droga ay nananatiling illegal sa federal level sa America ngunit legal na ito sa Colorado, Alaska at Washington.

Maging ang mga botante sa California ay inaasahang boboto pabor para maging legal ang marijuana.