Karla copy

ANG sinasabing talk show ni Karla Estrada kaya ang papalit sa timeslot ng KrisTV?

Nabanggit kasi ni Karla sa presscon ng bago niyang sitcom na may isa pa siyang programa na malapit na ring mapanood at isa itong talk show.

Apat na programa ang nakalagay sa exclusive contract na pinirmahan ni Karla sa ABS-CBN at isa na nga ang pagiging hurado sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng It’s Showtime at ang bagong sitcom nila ni Bayani Agbayani na Funny Ka, Pare Ko.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Tila kaugnay nito ang post earlier this week ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na sentimental siya dahil binubuo na ang programang papalit sa KrisTV na isang linggo nang nagre-replay.

Nauunawaan ng maraming followers ang nararamdaman ng KrisTV host, pero kung sa ikagagaling naman daw niya ang hiningi niyang bakasyon ay suportado nila ang Queen of All Media.

Matatandaang itinanggi ni Karla sa presscon ng upcoming concert niyang Her Highness The Queen Mother (gaganapin sa Kia Theater sa Abril 30) ang earlier reports na show niya ang isasalang sa timeslot na babakantehin ng KrisTV.

Pero ngayon, si Karla na rin mismo ang nagbalitang may talk show siya soon.

Anyway, hindi pa lang ma-reveal ni Queen Mother sa publiko kung sino ang makakasama niya sa talk show dahil hindi pa pumipirma ng kontrata ang dalawang co-host niya.

As of this writing ay wala pa ring titulo ang nasabing talk show dahil kasalukuyan pa itong binubuo.

At least sigurado nang programa nga ni Karla ang kapalit sa KrisTV show ni Krissy. Ano’ng say mo, Bossing DMB?

(Kung the same team behind KrisTV, business unit ni Louie Andrada, tiyak na kaabang-abang ito. No worries about Kris, melancholic lang siya dahil siya ang “bumuhay” sa morning timeslot na ‘yan na matagal din niyang na-enjoy.

Pero kuntento siya na for the meantime, hindi na “toxic” na schedules niya. --DMB) (REGGEE BONOAN)