Baby Zia in  Palawan copy

BALIK na uli si Marian Rivera sa endorsements niya. Bukod sa mga hindi natanggap dahil sa pagbubuntis niya kay Baby Letizia, may nag-renew at itinuloy. Muli nang napapanood ang TV commercial niya ng Hana Shampoo. May bago rin siyang TVC na mapapanood, ang endorsement niya sa isang brand ng drinking water. Ang isa pa, ang flawless na tulad ng skin ni Marian.

Sunud-sunod na uli ang pictorials ni Marian for magazine covers. Ang latest, para sa buwan ng April, itatampok ng magazine ang tungkol sa pagiging first mom niya to Baby Zia.

Pero hindi lang iyon, mukhang hindi na nila matatanggihan ni Dingdong Dantes ang offers para sa kanilang anak. Sa ngayon, may anim nang endorsements na pinag-aaralan ang mag-asawa, at may mga bago pang offers na dumarating.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mayroon daw solo ni Baby Zia, mayroong kasama si Marian, mayroong kasama si Dingdong, mayroong buong pamilya sila.

Kaya labis-labis ang pasasalamat ni Marian hindi lamang sa blessings na ito kundi sa suporta ni Dingdong sa kanya.

Nagiging busy man siya uli, lagi naman naroon at nakaalalay ang kanyang asawa.

Ngayong Linggo, sa Sunday Pinasaya ay may mga announcement pa si Marian. Ngayong linggong ito, ihahayag na rin ng GMA Network kung sinu-sino ang mga gaganap sa mga bagong Sangre ng Encantadia 2016, ang mga magiging anak niya bilang siya si Ynang Reyna. Ipakikilala na sila bukas, Monday, sa 24 Oras.

Biro nga ni Marian, todo na ito! Pero foremost pa rin sa kanya ang kapakanan ng anak nila, si Baby Letizia.

Congratulations! (NORA CALDERON)