BEA BINENE1 copy

NAGBAGO ang tono ng ilang fans ni Bea Binene na nag-akusa noong una na hindi raw maganda ang ibibigay na soap sa kanya ng GMA-7. Gagawin daw kasi siyang aso sa Hanggang Makita Kang Muli, kaya may nag-suggest na mabuti pang lumipat siya ng network. 

Pero mula nang umere ang Afternoon Prime, puring-puri ng fans ni Bea ang story pati acting niya. Magandang project daw ang ibinigay sa kanya, challenging, at sulit ang paghihintay ni Bea sa said project.

Marami pang mapapanood na magagandang eksena ni Bea, wait lang ang fans niya. Kung naiyak sila sa eksenang tumatahol si Bea sa harap ng picture ni Evelyn (Angelica dela Cruz), marami pang heartwarming scenes na kaabang-abang.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

(NITZ MIRALLES)