Angel-Locsin copy

PURING-PURI si Angel Locsin ng ilang contestants na hindi nakapasa sa blind audition ng Pilipinas Got Talent 5 dahil pinabibigyan pala sila ng pamasahe bilang pampalubag-loob.

Kuwentuhan ito ng contestants na nagpasalin-salin hanggang sa nakarating sa amin at hindi na namin ito kailangang kumpirmahin kay Angel dahil kilala namin siyang maawain at matulungin.

“Ang bait pala ni Angel kasi pinaaabutan niya ng pera ‘yung mga contestant na hindi nakapasa sa blind audition ng PGT. ‘Binibilin niya sa kasama niya,” kuwento sa amin ng taong ayaw magpabanggit ng pangalan.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Hindi na kami nagulat na namigay ng pampalubag-loob si Angel, pero nagtanong kami kung sa rami ng hindi nakapasa sa blind auditions ay pinaabutan niya lahat.

“Ay, hindi naman, du’n lang sa naawa siya, ‘yung talagang nakita niyang hirap sa buhay,” sagot sa amin.

Kaya pinagpapala si Angel dahil nagsi-share siya ng blessings niya. Alam ng marami na aktibo siya sa charity works lalo na kapag may kalamidad, laging bukas-palad si Angel at siya mismo ang naglilibot sa mga binaha o binagyo.

Samantala, sa Abril 9, Sabado na ang live episode ng PGT5 para sa kanilang semi-finals.

As of press time ay nasa Singapore pa ang aktres at naniniwala kami na makakadalo siya sa live episode nila.

(REGGEE BONOAN)