IKINAGULAT ni Rez Cortez at ng kanyang pamilya ang bagong silang na sanggol na natagpuan nila sa kanilang garahe paggising nila noong umaga ng Enero 15.

Hindi nila alam kung sino ang magulang ng bata dahil wala namang iniwang pagkakakilanlan sa bata.

Apat ang anak ni Bro. Rez, as we call him dahil magkasama kami sa Oasis of Love Catholic Renewal Community, three boys and a girl -- ang mahusay na actress na si Kai Cortez. Ang kanilang bunsong lalaki ay graduate na ng college.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kaya parang magsisimula muli silang mag-alaga ng kanyang asawang si Candy ng baby.

Itinuring nilang nahuling Christmas gift ng Diyos ang baby kaya kinupkop nila ang bata na pinangalanan nilang Cassandra Grace.

Hindi lihim na avid supporter at kaibigan si Bro. Rez ni Fernando Poe, Jr. na nagsimula pa noong madalas siyang gumagawa ng pelikula. Naging volunteer pa siya nang kumandidatong president si FPJ noong 2004. Kaya isinunod nila ang pangalan ng baby kay Sen. Grace Poe, na tulad ni Cassandra Grace at isa ring pulot o foundling. At tagasuporta rin ngayon ni Sen. Grace Poe si Bro. Rez, sa pagkandidato nito bilang pangulo ng bansa sa darating na election sa May 9, 2016.

Tunay na blessing nga kina Bro. Rez si Cassandra Grace dahil kabilang siya ngayon sa cast ng bagong afternoon prime ng GMA-7 na pagtatambalan for the first time nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino. Wala pang title ang bagong family series pero magtatampok din ito kina Ms. Gina Alajar, Assunta de Rossi, Maricar de Mesa, Buboy Villar, James Teng, Liezel Lopez, Marika Sasaki at ididirek ni Mark dela Cruz. (Nora Calderon)