Ipinag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsususpinde ng 30 araw sa apat na unit ng AB Liner bus company matapos masangkot sa aksidente ang isa sa mga ito, kamakailan.

Sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton na sinalpok ng AB Liner bus (DWU-555) na minamaneho ni Alberto Jubilo ang isang jeep noong umaga ng Marso 17 sa Lyam Bridge, Diversion Road, Maharlika Highway sa Lucena City, Quezon.

Patay sa insidente ang konduktor ng bus habang sugatan ang pitong iba pa.

Patungong southbound ang jeep na kargado ng coconut lumber nang salpukin ito ng pasalubong na AB Liner bus.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matapos tamaan ang kaliwang tapalodo ng jeepney, sumadsad ang pampasaherong bus sa konkretong bakod ng tulay. Nasira ang buong bubong ng jeepney dahil sa malakas na pagkakasalpok ng bus, ayon sa ulat.

Hinala ni Inton na humaharurot ang dalawang sasakyan kaya nangyari ang aksidente. (Czarina Nicole O. Ong)