Gagawing habambuhay ang identification card ng persons with disabilities (PWD) upang matamo nila ang mga biyaya at insentibo sa ilalim ng Magna Carta for Disabled Persons.

Sa House Bill 6273 na inihain ni Quezon City Rep. Alfredo D. Vargas III, magkakaroon ng lifetime validity ang ID ng mga taong may kapansanan upang hindi na nila kailangan pa itong i-renew tuwing ikatlong taon.

Sususugan ng panukala ang Republic Act 7277 o Magna Carta for Disabled Persons, inamyendahan ng RA 9442, na nagkakaloob ng mga benepisyo, pribilehiyo at insentibo, kabilang ang 20 porsiyentong diskuwento sa gamot, pagkain at serbisyo, sa mga PWD. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita