Cleveland Cavaliers forward LeBron James shoots against New York Knicks forward Derrick Williams during the third quarter of an NBA basketball game, Saturday, March 26, 2016, in New York. The Cavaliers won 107-93. (AP Photo/Julie Jacobson)ORLANDO, Florida (AP) — Tuluyang sumadsad sa putikan ang Chicago Bulls at ang huling sandata ng matador na nagpadapa sa Bulls sa Eastern Conference playoff ay ang baton ng Orlando Magic.

Sorpresang tumipa ang journeyman center na si Dewayne Dedmon ng career-high 18 puntos at 13 rebound, habang kumana si Jason Smith ng 14 na puntos sa 111-89 panalo ng Magic kontra Bulls nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nag-ambag si Elfrid Payton na may 15 puntos at 10 assist, gayundin si Andrew Nicholson na may 14 na puntos, habang umiskor si Evan Fournier ng 12 puntos para tuldukan ang losing skid ng Magic sa anim na laro sa kabila ng pagkawala nang na-injured na si Victor Oladipo.

Bagsak ang Bulls sa 36-36 karta, gayundin ang kanilang kampanya na makahabol sa No.8 spot sa Eastern Conference playoff na kasalukuyang hawak ng Detroit Pistons.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Nalimitahan si Derrick Rose sa 9 na puntos, habang nanguna sa Bulls si Taj Gibson na may 16 na puntos.

THUNDER 111, SPURS 92

Sa Oklahoma City, ginapi ng Thunder, sa pangunguna nina Kevin Durant na umiskor ng 31 puntos at Russell Westbrook na may 29 na puntos, ang San Antonio Spurs.

Hataw din si Enes Kanter sa nakubrang 20 puntos at 10 rebound, habang kumikig si Serge Ibaka ng 15 puntos at walong rebound para sa ikapitong sunod na panalo ng Oklahoma City.

Hinihintay ng mga tagahanga ang naturang duwelo, ngunit tila hindi na pinaghandaan ng Spurs ang laro na wala nang halaga kung tutuusin dahil hindi na magagalaw ang No.2 position ng Spurs sa Western Conference playoff.

Sumabak ang Spurs na wala ang starting player na sina Tim Duncan, LaMarcus Aldridge at Tony Parker, gayundin si sixth man Manu Ginobili na binigyan ng day off ni coach Greg Popovich. May iniinda namang injury si Kawhi Leonard.

Nanguna sa Spurs sina David West at Jonathon Simmons na may tig-17 puntos.

CAVS 107, KNICK 93

Sa New York, nailista ni LeBron James ang ikatlong triple double ngayong season -- 27 puntos, 11 rebound at 10 assist – habang umiskor si Kevin Love ng 28 puntos at 12 rebound sa panalo ng Cleveland Cavaliers kontra sa napatalsik na New York Knicks.

Nag-ambag si J.R. Smith ng 13 puntos para sa ikaanim na sunod na panalo ng Cavs, ang nangungunang koponan sa Eastern Conference.

Nanguna sa Knicks si Carmelo Anthony na may 28 puntos, habang tumipa si Kristaps Porzingis ng 19 na puntos.

Sa kabuuan, may naitalang 42 triple-double ang two-time MVP at tatlong puntos na lamang ang kulang para lagpasan niya ang Hall-of-Famer na si Dominique Wilkins.

TORONTO 115, PELICANS 91

Sa New Orleans, ratsada si DeMar DeRozan sa nakubrang 23 puntos, habang kumana si Patrick Patterson ng 16 na puntos sa panalo ng Toronto Raptors kontra Pelicans.

Natuldukan ng Raptors ang losing skid sa dalawang laro at pantayan ang franchise record na 49th victory sa season.

Nag-ambag sina Norman Powell ng 15 puntos at Luis Scola na may 12 puntos para sa Raptors.

JAZZ 93, WOLVES 84

Sa Minneapolis, tinapos ng Utah Jazz ang five-game road trip sa impresibong 93-84 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Tangan ang 36-37 karta, nakikipaglaban ang Jazz sa Dallas Mavericks para sa ikawalong puwesto sa Western Conference playoff.

Nanguna sa Jazz si Brendon Hayward sa 21 puntos, habang kumana si Derrick Favors ng 19 na puntos at limang rebound.

Hataw sa Wolves sina Ricky Rubio na may 23 puntos at rookie Karl-Anthony Towns na kumubra ng 14 na puntos at 11 rebound.

PISTONS 112, HAWKS 95

Sa Auburn, Michigan, natuldukan ng Atlanta Hawks, sa pangunguna ni Paul Millsap na nagsalansan ng 23 puntos at siyam na rebound, ang five-game winning streak ng Detroit Pistons.

Nakuha ng Hawks ang ika-13 panalo sa huling 16 na laro para lagpasan ang Miami Heat sa Southeast Division. Nanatili namang lamang ang Pistons sa Bulls para sa huling playoff slot sa East.