Ninais na lang ng isang 38-anyos na lalaki na magbigti kamakalawa ng gabi, sa halip na mabuhay sa selos sa kanyang girlfriend na may dinadalaw na preso sa Pasay City Jail.

Kinilala ni Senior Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, ang biktima na si Erwin Delfin, residente ng No. 150 Road 4, Pildera 2, Pasay City.

Ayon kay PO3 Mario Golondrina, natagpuan si Delfin ng isang bata habang nakabigti sa loob ng silid nito, dakong 6:00 ng gabi nitong Sabado.

Bago ang insidente, nag-away si Delfin at ang kanyang girlfriend dahil sa umano’y regular na pagbisita ng huli sa isang preso sa Pasay City Jail.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Selos ang tinitignan naming pinakamalapit na motibo sa pagpapakamatay dahil nga nakakulong dito ‘yung dating syota niya (nobya ni Delfin),” ayon kay Golondrina.

Napag-alaman ng Scene of the Crime Operations (SOCO,) na pinamumunuan ni Senior Insp. Elena Mediana, na maliban sa mga marka ng lubid sa leeg ay walang sugat o pasa sa katawan si Delfin.

Inilipat ng pulisya sa pangangalaga ng Rizal Funeral Homes sa Pasay City ang bangkay ni Delfin. - Martin A. Sadongdong