Mariah (please crop) copy

LOS ANGELES - Kinumpirma ni Mariah Carey na ipinakansela niya ang kanyang concert sa Brussels dahil sa usaping pangkaligtasan kaugnay ng mga pambobomba ng mga terorista sa siyudad nitong Martes.

Makikita sa website na nagbebenta ng mga ticket para sa European tour ni Carey na kanselado na ang concert nito sa Brussels nitong Linggo.

Ayon pa sa mensahe sa website, inabisuhan si Carey na kanselahin ang show upang maprotektahan ang kaligtasan ng mga crew at tagahanga.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Wala namang nabanggit kung kailan isasagawa ang concert, ngunit nag-tweet si Carey na sana ay makita niya ang kanyang mga tagahanga sa Belgium sa lalong madaling panahon.

Nakatakdang magtanghal si Carey sa Luxembourg nitong Sabado ng gabi. (Associated Press)