Maine at Alden copy

ANO nga ba ang kaugnayan ng number 24 sa magka-love team na Alden Richards at Maine Mendoza?

Sa ilang araw na pakikipagtalo ng AlDub Nation sa detractors nila sa Twitter tungkol sa isyu na magising sila sa realidad tungkol sa kanilang mga idolo, heto at biglang binuksan ni Maine ang kanyang blog na mainemendoza.com noong Holy Thursday, March 24, at ikinuwento ang kanyang buong Boracay escapade noong birthday celebration niya roon noong March 6, a day after ng special birthday celebration na ibinigay sa kanya ng Eat Bulaga sa Broadway studio at sa mga sorpresang inihanda sa kanya ni Alden.

Nagsimula si Maine sa pagkukuwento how she spends an afternoon in Boracay kay Alden na binawi niya, kay Richard Faulkerson Jr., dahil hindi raw niya naramdaman na ang Pambansang Bae ang kasama niya. Mula sa pagsakay sa boat hanggang ang goodbye hug, hindi niya nakita ang Alden Richards na nakikita sa TV – isang normal guy – more like a kid – having fun. 

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“He was enjoying every moment and you could see it in his gleaming eyes – that nobody gets to see regularly, he needed this time off; he needed to take a break from everything even just of a little while. And aside from being oh-so happy that he surprised me, the fact that he got to take a day off to unwind and have REAL fun meant so much more. You deserved the short break, RJ. I am so happy you had fun. You made me very happy that day... thank you very much.”

Bago iyon, isang linggo palang kinulit ni Maine si Alden kung makakasama ito sa special celebration sa Boracay na inihanda niya para sa kanyang friends sa Eat Bulaga dahil first time niyang makakarating doon. Pero lagi raw negative ang sagot ng ka-love team, malabo itong makasama. Kaya six days na nagtampo si Maine kay Alden lalo na nang makatanggap siya ng text mula sa management ng actor na hindi sila makagawa ng paraan para makaalis si Alden ng March 6. Kaya kahit sinabi ni Alden na may sorpresa siya sa birthday niya ng March 3, at saka sa special birthday celebration sa EB ng March 5, at sa susunod pang araw, ayaw na niyang mag-expect.

Kaya nagulat talaga siya nang bumulaga si Alden sa kanyang Room 324 sa Discovery Shores ng Sunday, at nalaman niyang nag-rent ito ng private plane para makarating nang umagang iyon. 

Hindi na inaksaya ng dalawa ang mga oras dahil nalaman din ni Maine na uuwi rin bago gumabi si Alden, dahil iyon ang permit to fly ng private plane. Water activites ang ginawa nila. Sa Puka Beach ang first stop nila at doon sila nakabili ng kanilang shell couple bracelet na suot nila araw-araw saan man sila magpunta. (Ano kaya ang meaning ng shell couple bracelet na iyon?). Doon din sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap nang maayos at masaya si Maine kapag naririnig ang halakhak ni Alden. First time daw niya talaga ginawa ang lahat ng iyon, ayon sa binata.

 

Sumunod ang scuba diving, pinakain nila ang mga isda, then parasailing na umakyat sila nang mataas na mataas, pero hindi na raw siya nakaramdam ng takot, kahit nang kumukuha siya ng pictures at ginugulat siya ni Alden, na nakaalalay sa kanya hanggang sa bumaba na sila.

Sumakay din sila sa jetski, noong una solo lang sila pero kasama niya ang nagtuturo sa kanya, nilapitan siya ni Alden at sinabing, “Tara, dito ka na lang sa akin”. May trauma pala sa jetski si Maine dahil minsan na siyang nalaglag dito. Malalaki ang alon nang oras na iyon at puwede silang humagis sa tubig, “but at that moment, it didn’t matter anymore. I was having a really fun time and for as long as I am with him, getting thrown off would be alright. I know for a fact na hindi niya ako pababayaan – kahit anong mangyari.”

Maraming naiyak, kinilig, natuwa, sa mga isinulat ni Maine. Ang iba, dahil wala nga namang confirmation, nag-assume nang may relasyon na nga sina Alden at Maine. 

‘Tapos sa presscon sa Vancouver, Canada para sa series of shows with Rocco Nacino at Kim Ido, tinanong si Alden kung ‘sila na’ ba ni Maine, ang sagot niya, ‘We have an understanding,’ na hindi na niya idinetalye. (Mutual understanding na kaya iyon?)

May comments din sa Twiiter, isa na ang galing kay Carlo Ople, ang information technologist na naka-base sa Barcelona, Spain at nag-reactivate ng Twitter at Instagram accounts ni Maine nang ma-hack ang mga ito, ang nagsabing, “when you realize na hindi na talaga aktingan ito #kilig much @aldenrichards02 apir! Pusong bato lang ang hindi makakaramdam ng kilig pagkatapos basahin ang blog ni @mainedcm. Siguro kapag ikinasal sina Maine at Alden, aabot tayo ng 100 million tweets. Kung ikasal kayo in the future, @mainecdm at @aldenrichards02 sagot ko na ang honeymoon ninyo sa Barcelona.”

Nang i-open ni Maine ang kanyang blog, sa loob ng limang oras, nakakuha ang “Surprise” article ng 77,464 views, ganoon din ang article niyang “21st At Bora” -- 77,454 naman ang views in five hours. 

Meanwhile, after the 3-sold out concert, kahapon umalis si Alden ng Vancouver via Korean Airlines at makararating siya ng Pilipinas ngayong araw. Expecting ang Aldub Nation ng happy reunion between Maine and Alden after seven days they were apart. (Nora Calderon)