Korina at Lola Dory copy

INILUNSAD ni Korina Sanchez-Roxas ang Keribeks last year sa pamamagitan ng national gay congress dahil malapit sa puso niya ang mga beki. Kamakailan, isa na namang beki ang kanyang pinaligaya sa pamamagitan ng Rated K.

Nakilala ng misis ni Mar Roxas si Teodoro Ilagan o Lola Dory,isang parlorista na tubong Tondo, Manila na nagdiwang ng ika-100 kaarawan.

Manghang-mangha si Korina kay Lola Dory na sa edad na 100, nanantili pa ring masigla at malakas.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

“Matalas pa rin ang memorya niya at diretsung-diretso ang kanyang tindig,” kuwento ni Koring. “Pero ang pinakanakakatuwa sa kanya ay ang kanyang sipag at determinasyon sa buhay. Ayaw niyang maging pabigat sa lipunan kaya naman hanggang ngayon at nagtatrabaho pa rin siya at magaling siya sa kanyang ginagawa. Mahusay siyang maggupit, magkulot, at mag-makeup at madaming parokyanong sumusuporta sa kanya sa Tondo.”

Binigyan ni Koring si Lola Dory ng bonggang makeover para sa isang sorpresang party na inihanda ng Rated K para sa kanya. Niregaluhan din ni Korina si Lola Dory ng makeup kit at mga bagong kagamitan na maaari niyang gamitin sa kanyang pagseserbis sa Tondo.

“Inspirasyon ang mga katulad ni Lola Dory at dapat tularan ang kanyang sipag, tiyaga, at determinasyon. ‘Yan naman talaga ang maganda sa mga beki. Hindi sila sumusuko at lagi pa silang masaya at positibo,” nakangiting sabi ni Korina. 

Napapanood ang Rated K ni Korina tuwing Linggo ng gabi. (CHUCK GOMEZ)