GUINAYANGAN, Quezon – Isang farm caretaker ang pinagbabaril at napatay ng isang hindi nakilalang lalaki habang natutulog sa kubo sa Sitio Plaza Café sa Barangay Capuluan Central sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Nelson B. Baljon, alyas Uwak, 59, may asawa, residente sa lugar.

Nagtamo si Baljon ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na nasawi, ayon sa police report.

Inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima na pinagbabaril sa kubong malapit sa kanyang bahay, dakong 4:30 ng hapon nitong Huwebes Santo. - Danny J. Estacio

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog