JESSY AT JC copy

INAMIN ni JC de Vera na si Jessy Mendiola ang pinaka-special na babae sa buhay niya ngayon.

Bagamat ayaw umamin ng aktor kung “sila na” nga ng aktres na katambal sa You’re My Home, at least consistent silang dalawa sa pagsasabing “special” sa kanila ang isa’t isa.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“We’re both comfortable with each other,” sabi ni JC.

Sa hiwalay na panayam kay Jessy, pinabulaanan niya ang kumakalat na tsismis na mag-on na sila ng actor.

“Hindi po, hindi po kami. Para diretso na,” ani Jessy.

Unang tambalan ng dalawa ang You’re My Home na nagtapos na ngayong linggo, kaya humihirit ang aktor na sana’y mabigyan pa sila ng sapat na panahon para makilala ang isa’t isa.

May pagkakahawig daw ang ginagampanan nilang karakter sa You’re My Home sa personal na pinagdadaanan nila ni Jessy ngayon. Sa halos kalahati ng kuwento ng serye, hindi pinaglalapit sina Grace (Jessy) at Christian (JC).

“So towards the end doon lang kami naging close, naging komportable, ‘tapos ngayon patapos na ang You’re My Home,” ani JC.

Pero nagtapos man ang You’re My Home, may dahilan pa rin para magkita sila, sa isa pa nilang programa -- ang Banana Sundae.

Inamin ni JC na si Jessy ang kanyang ‘apple of the eye’.

“Nag-iwan siya ng magagandang memories sa akin, eh, kaya hindi ko talaga siya makakalimutan. Gano’n kami ka-comfortable sa isa’t isa and nagre-reflect siya onscreen and even on photos. She smiles when I smile,” masaya niyang sabi.

So love can wait ang drama nila, dahil pareho silang nakatuon sa kani-kaniyang career.

“‘Yung samahan namin ni Jessy talaga it was also a surprise. No one expected na magiging comfortable kami sa isa’t isa. Kaya siguro maganda ang samahan namin because we both wanted to work hard and tingin ko pareho kami ng nasa isip na we wanted na galingan ‘yung characters namin, na magawa namin ng proper,” ani JC. (Ador Saluta)