NAUUSO yata sa showbiz ang pag-a-upload ng sex video ng actors. Marami nang nasangkot sa sex video scandals gaya nina Mark Neuman, Martin del Rosario, Gerald Anderson, at si Arjo Atayde ang latest na pinag-usapan.

Ngayon naman, ang 16 year-old na si Francis Mangundayao ang tinutukoy na laman umano ng blind items na may bagong sex video na kumakalat sa social media. Nakarating na ito sa kaalaman ng bagets actor at agad niya itong pinabulaanan.

Aniya, may mga taong gumagawa nito para siraan ang gaya niyang nagtatrabaho sa entertainment industry.

“Sinisira lang nila ako,” simulang pahayag ni Francis. “It’s really unfair but we don’t focus on those things kasi hindi naman siya importante, eh. Kung tutuusin, kung talagang maayos kang tao, hindi mo pagtutuunan ng pansin ang mga ganoong bagay. Instead, kung talagang matalino ka at sumusunod ka sa utos ng Diyos, you would stand on the right path and shove off everything that’s negative coming from other people kahit kaaway mo siya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“All I can say about that is in showbiz marami talagang maninira sa iyo for sure. Kahit magaling kang aktor, even if you think you’re a good person in general, someone will still try to break you down and someone’s trying to break me down right now. I can say na lagi niya akong tinitira. I’m a victim but hindi ako nagpapaawa. Hindi ako lumalabas na kawawa because I know I’m confident in myself na hindi ko kaya gawin ‘yun,” paliwanag ng young actor.

Hindi siya afffected dahil alam niyang wala itong katotohanan.

“I’m just trying to keep positive with every outcome kahit bad, kahit good. I’m just trying to be positive in every way. Sinusubukan ko muna i-brush off kasi it doesn’t really matter. It’s a waste of time. So kung negative outcome siya, negative issue, you just brush it off. Just walk with your head up high. I’m not shaken, not at all. I’m definitely not shaken because I’m sure madaming tao ang nagsu-support sa akin kahit showbiz or non-showbiz.”

Habang naririyan daw ang kanyang fans at patuloy sumuporta sa kanya, walang dahilan para sumuko siya.

“I believe that my fans are already standing by my side. I think that’s enough already. All I can say is kung sino man gumagawa sa akin nun at sa mga ibang artista, that’s not right. Bahala na ang Diyos sa inyo and I’m just going to stand here and be confident dahil alam ko kasi ang totoo.”

Dugtong pa ni Francis, ipinapasa-Diyos na niya ang mga naninira sa kanya.

“Feeling ko lang kasi parang nakakaubos ng oras. Pinatawad ko na siya, eh. Kahit hindi ko siya kilala, hindi ko alam ang pangalan niya, hindi ko alam mukha niya or kung ano gender niya, kung sino man nang-aaway sa akin at sa mga ibang artista, I forgave him or her already right away because it’s the smartest thing to do. Mas magandang ngumiti ka na lang,” aniya pa. (ADOR SALUTA)