Isang driver ng provincial bus ang bumagsak sa random alcohol test na isinagawa sa isang bus terminal sa Pasay City, kamakalawa.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), lumitaw sa breath sample ni Juan Betos, driver ng DLTB bus na biyaheng Batangas, na umabot sa 0.35 at 0.42 ang kanyang alcohol level sa random testing sa kanilang terminal.

Sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na pinapahinga muna nila si Betos upang bumaba sa zero level ang alcohol level nito bago payagang bumiyahe.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ngayong Semana Santa, nagsagawa rin ng random alcohol test, gamit ang mga breath analyzer ng MMDA, sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City.

National

‘Ikaw unang nang-iwan!’ PBBM, ‘gina-gaslight’ si VP Sara – Harry Roque

Sinabi ni Carlos na magpapatuloy ang random alcohol test sa mga bus terminal sa Metro Manila hanggang sa Linggo.

(Anna Liza Villas-Alavaren)