BRUSSELS (AP/AFP/REUTERS) – Nakilala na ang tatlong suicide bomber sa Brussels airport at sa isang metro train, na ang mga pag-atake ay inako ng Islamic State, habang patuloy na pinaghahanap ang ikaapat na suspek na hindi sumabog ang dalang suitcase bomb.

Sinabi ng mga prosecutor na ang magkapatid na Ibrahim at Khalid El Bakraoui ang nagsagawa ng mga pag-atake sa Zaventem airport at Maalbeek metro station, habang ang bomb-making expert na si Najim Laachraoui ay kinilala ng police sources na ikalawang airport bomber.

Pinaigting na ng mga awtoridad ang paghahanap sa ikatlong airport attacker, na nakitang nakasuot ng sumbrero at puting jacket sa CCTV footage mula sa Zaventem departure hall, na hindi sumabog ang dalang bagahe na puno ng pampasabog kasama ng dalawa pang suicide bombers.

TERROR CELLS

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Sinanay ng grupong Islamic State ang may 400 mandirigma para targetin ang Europe sa bugso ng madudugong pag-atake, nagpakalat ng mga interlocking terror cell gaya ng isang umatake sa Brussels at Paris kaakibat ang utos na piliin ang oras, lugar at method for maximum chaos, sinabi ng mga opisyal sa Associated Press.

Ipinakikita ng network ng madudulas at semiautonomous cells ang lawak ng naabot ng extremist group sa Europe kahit na natatalo ito sa laban sa Syria at Iraq.

Inilarawan ng mga opisyal, kasama ang European at Iraqi intelligence officials at isang French lawmaker na sumusubaybay sa jihadi networks, ang mga kampo sa Syria, Iraq at posibleng sa dating Soviet bloc kung saan sinanay ang mga attacker na targetin ang West. Bago mapatay sa police raid, sinabi ng ringleader sa Nov. 13 Paris attacks na pumasok siya sa Europe kasama ang multinational group ng 90 mandirigma, na kumalat “more or less everywhere.”

Tinatayang nasa 400 hanggang 600 Islamic State fighters ang partikular na sinanay para sa external attacks, ayon sa mga opisyal. May 5,000 Europeans ang nagtungo sa Syria.

Ang mga mandirigma sa mga unit ay sinanay sa battleground strategies, explosives, surveillance techniques at counter surveillance, sinabi ng mga security official.