Nadomina ng Onslaught Racing Dragons ang Open Standard division, habang namayagpag ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa kani-kanilang division sa katatapos na 2016 Manila Bay Sea Sports Festival sa Manila Bay ng PICC ground sa Roxas Boulevard.

Ang mga batikang bangkero mula sa Batangas at Agoo, La Union ang naghari sa bancathon ng taunang torneo na inorganisa ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Cobra Energy Drink, Alaska Kremtop, The Generics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, My Juiz, White Castle, Executive Optical at Herco Trading.

Humarurot nang husto ang bankang ‘Blue Thunder’ ni Marlon Morada upang pangunahan ang Formula Race, samantalang buong husay ang arangkada ni Alvin Estacio sa kanyang bangkang ‘Patricia’ para angkinin ang Stock Race class.

Namayagpag ang Onslaught racing Dragons sa Open Standard divison ng Dragon Boat race laban sa mga karibal na kinabibilangan ng mga miyembro ng Philippine Team. Nakopo naman ng Coast Gyuard ang titulo sa Mixed Standard at namayani ang Philippine Navy sa Women’s Small Boat division.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Panauhing pandangal sa opening ceremony si Liz Villasenor, director ng Tourism & Cultural Affairs ng Lungsod Maynila, bilang kinatawan ni Manila Mayor Joseph Estrada.