Mga Laro sa Marso 30

(San Juan Arena)

8 n.u. – NU vs UST (M)

10 n.u. -- UP vs FEU (M)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- FEU vs UST (W)

4 n.h. -- NU vs UP (W)

Pinabagsak ng De La Salle Lady Archers ang Adamson Lady Falcons, 25-13, 5-11, 25-18 nitong Linggo para makausad sa semifinal sa ikawalong sunod na taon sa UAAP women’s volleyball championship sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nauna nang nakapasok sa Final Four ang mahigpit nilang karibal at two-time defending champion na Ateneo Lady Eagles tangan ang 9-2 karta.

Hindi naman pinalad ang Lady Falcons na bumagsak sa 3-8 marka.

Nagtala si Kim Dy ng 11 puntos habang nag-ambag si Ara Galang ng 10 puntos upang pamunuan ang Lady Spikers na nakakuha din ng 33 excellent setting kay Kim Fajardo .

Ang tagumpay ang ikaapat na sunod para sa Lady Spikers at naglapit sa kanila sa asam na twice-to-beat incentive sa semis. (Marivic Awitan)