Naniniwala si Liberal Party (LP) senatorial bet Leila de Lima na mas lalago ang ekonomiya ng bansa kung agad na maipatutupad ng gobyerno ang Fair Competition Act.

Sinabi niyang suportado niya ang naturang batas na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Hunyo 2015, at inaasahan naman na sa susunod na administrasyon na ito mararamdaman ng mga mamamayan.

“I’m all for fair competition, anti-trust (law). Kailangan ma-enforce ‘yung proper implementation ng Fair Competition Act ni Senator Bam Aquino. Tingnan po natin how fair it’s going to be in promoting competition,” ayon kay de Lima.

Aniya, kasunod nito ay dapat na tutukan din ang isyu sa smuggling ng agricultural products, kabilang na ang bawang, sibuyas, bigas, mais at palay.

National

‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang

Ginigiyahan ng naturang batas ang pantay na kompetisyon, na napag-iwanan na ang Pilipinas hindi lang sa Asia kundi maging sa buong mundo.

Sinabi pa ni De Lima na pantay na ang maliliit at malalaking negosyo dahil may parusa na sa mga pag-abuso ng malalaking negosyo. (Leonel Abasola)