Magkakasubukan ang pinakamahuhusay na one-on-one basketball player sa bansa sa pagdaraos ng National Finals ng Red Bull King of the Rock street ball tournament kahapon, sa Baluarte de Dilao sa Intramuros, Manila.

Maglalaban-laban ang lahat ng mga nagkampeon sa isinagawang qualifying tournament sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa bansa sa makapigil-hiningang single-elimination game.

Ang nangunang walong player sa bawat qualifying ang siyang nagkasubukan sa National Finals.

Kabilang sa mga nakalusot sa matinding pagsubok sina Macmac Tallo ng Southwestern University at kasanggang si John Lloyd Luz. Kasama rin sa kinatawan ng Cebu sina Joevince Canizares, Dominic Adlawan, Jon Love, Flether Galvez, Karl De Pio, at Brian Gabasa.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kabilang naman sa Manila A sina Felixson Sulapas, Jason Vilagracia, Obinna Ezeike, Karl Bautista, Victor Sayao, Jonathan Egea, Frian Sulapas at Sunie Tibayan.

Kakatawanin naman ang Manila B nina Jose Felix Cleopas, Julius Aldeon, Anton Villavicencio, John Ceddric Toledo, Ivan Paul Rebanal, Danceresty Morfe at Patrick Dy.

Makakalaro rin ang magwawagi sa huling qualifying game na isinagawa ganap na ala-1 ng hapon. Ang Finals ay nakatakda ganap na alas-6 ng gabi.

Bukod sa 1-on-1 action, inaasahan ding mapapabilib ang manonood sa kahusayan ng mga kalahok sa slam dunk competition.

Ang magwawagi sa torneo ang kakatawan sa bansa sa gaganaping World Finals sa Agosto sa Istanbul, Turkey.