MEDYO disappointed ang press people sa launching ni Jake Cuenca bilang brand ambassador ng Guitar underwear dahil hindi siya rumampang naka-brief. Ang abs lang ang ipinakita ni Jake nang maghubad ng t-shirts. Ang tsika sa amin, ayaw nang mag-brief ni Jake kahit underwear ang ini-endorse.

Masaya si Jake sa Guitar dahil hindi lang siya endorser, kinuha rin siyang creative consultant at pati pictorial niya, may pakialam siya.

“This is something new, hindi ito naibigay sa akin ng last endorsement ko na magkaroon ng creative control when it comes to designs of the underwear, t-shirt design and also, creative consultancy with the shoots. Gaya ng sinabi ko, this is new to me and this is something that I can contribute to the brand,” sabi ni Jake.

Marami nang idea si Jake kung paano siya makatutulong na mas palakihin pa ang Guitar. Kahit siguro nasa New York siya para mag-aral ng acting, mag-iisip pa rin siya ng ideas para makatulong sa bagong brand na ini-endorse niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ngayong Sabado na ang lipad ni Jake tungong New York at sa kanyang pagbabalik, isang pelikula at bagong teleserye ang naghihintay sa kanya sa Star Cinema at ABS-CBN respectively.

Samantala, kahit kilalang pa-sexy at may pagka-wild na image, sigurado si Jake na wala siyang sex video na lalabas ngayon at kahit kailan.

“Confident ako at 110 percent sure na wala akong lalabas na sex video. Nadala na ako nang may makitang sex video na kumalat ng tatlong artista. It’s not my thing at never kong naging fetish ang kumuha or magpakuha ng sex video. Ang hirap, ‘pag artista ka, mas nakakatakot,” pahayag ni Jake. (NITZ MIRALLES)