HANDS down na sa mga nagkokontrabidang Kapuso aktres ngayon, si Ina Feleo ang isa sa kinaiinisan nang husto ng televiewers dahil sa sobrang kasamaan sa Hanggang Makita Kang Muli. 

Pero ikinatutuwa ito ng aktres, dahil nangangahulugang epektibo siya sa role ni Odessa na ginawang mala-aso si Bea Binene.

Ikatutuwa rin ni Ina na kung may nagagalit man sa kanya, may mga pumupuri naman sa kahusayan niya bilang artista.

May nag-comment sa Instagram (IG) ni Ina na kung sa anak daw nito ginawa ang ginawa niya kay Bea, hahanapin nito kahit nasaan siya at lagot siya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Inihanda ko na ang sarili ko sa galit ng fans ni Bea, marami sila at inuunahan ko na sila, hindi pa tapos ang paghihiganti ko kay Ana (Bea) at kina Larry (Raymart Santiago) at Evelyn (Angelika dela Cruz). Madadagdagan ang mga magagalit sa akin at sa karakter kong si Odessa,” ayon kay Ina. (Nitz Miralles)