KRIS, JOSH AT BIMBY_pls crop copy

NAKAKUHA kami ng update tungkol kay Kris Aquino through a common friend. Nabanggit ng source na paalis na si Kris bukas, Linggo patungong ibang bansa para sa kanyang much needed wellness vacation kasama sina Josh at Bimby at posibleng may kasamang yaya at personal assistant dahil medyo matagal silang mawawala.

“Dapat 2-3 months straight rest, walang ibang gagawin para umayos ang kundisyon niya,” kuwento pa ng common friend namin na advise raw ng doktor ni Kris,

“Ang nangyayari kasi, before she sleeps, normal ang BP (blood pressure) niya, paggising niya, that’s the time mag-start mag-shoot up, so saan nanggagaling? Stress na kasi kaagad si Kris dahil iniisip na niya ang gagawin niya for the day.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Hindi rin naman kasi biro ang mag-taping ng KrisTV for seven episodes at ang init-init pa, lalo na nakaharap sa ‘yo ang mga ilaw na malalakas ang voltage. ’Tapos mostly nasa outdoor pa, so hindi madali ang mag-taping kaya doon nagsisimula ang stress ni Kris.”

So, ang tanong namin, ilang buwan mawawala si Kris?

“Sabi ng doktor niya, 2-3 months straight, depende pa ‘yun, puwedeng abutin ng 6 months kaya walang kasiguraduhan.

Pero definitely, babalik siya,” sagot ng friend ng TV host/actress.

Nag-renew na ba si Kris ng kontrata niya sa ABS-CBN?

“There are still talks, pag-uusapan ‘yan pagbalik ni Kris kasi depende pa nga sa magiging sitwasyon. Nagsabi naman ang ABS, di ba, na they are willing to wait for Kris.

“Na’ kay Kris ‘yun kung kaya na niya uling mag-work, that’s the time na pag-uusapan nila ang kontrata and definitely new show, I guess.”

Ang napakalaking ipinagpapasalamat daw ni Kris, na binanggit naman ng Queen of All Media sa IG post niya, hindi siya iniwan ng advertisers.

“Oo, walang umalis sa lahat ng advertisers, suportado nila si Kris,” sabi ng kausap namin.

Naman! Effective naman talaga kasing image model si Kristeta, mabilis lumakas ang benta kaya agad nata-translate sa sales (multi-million sales) ang anumang product endorsement niya. (REGGEE BONOAN)