Isang kandidato sa pagkaalkalde sa Pangutaran, Sulu ang binaril at napatay ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nitong Huwebes ng hapon sa Tetuan Street, ilang metro ang layo sa himpilan ng pulisya, sa Zamboanga City.

Kinilala ni Senior Insp. Helen Galvez, tagapagsalita ng Zamboanga City Central Police Office, ang biktimang si Ahmad Nanoh y Alip, 55, ng Pangutaran, Sulu.

Si Nanoh ang pambato sa pagkaalkalde ng Pangutaran ng United Nationalist Alliance (UNA) nang barilin siya ng suspek dakong 4:45 ng hapon sa panulukan ng Crispin Atilano at Candido Streets sa Barangay Tetuan habang minamaneho ang kanyang Toyota Hi-Lux (JBW 925). (Nonoy E. Lacson)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho