JESSY AT JC copy

HINDI maaakusahang “paasa” at “pa-fall” si JC de Vera ng fans nila ni Jessy Mendiola dahil sa simula pa lang ng kanilang love team, hindi sila pinaasa ng aktor na sumusubaybay sa ABS-CBN soap na You’re My Home na may something na sa kanila bukod sa pagiging magkaibigan at magkatambal.

Consistent din si JC sa mga sagot na hindi love o magka-GF ang priority niya ngayon kundi ang career. Sayang daw kung pakakawalan ang magagandang projectsna dumarating sa kanya kung mapapabayaan dahil sa pag-ibig.

“Unfair din sa magiging GF ko kung ‘di ko siya mabibigyan ng time. Hectic ang schedule ko, overwhelmed ako. Sumabay sa taping ng You’re My Home ang recording ng Stellar album ko at may mga shows pa ako. Mabuti na lang at napagsabay-sabay ko,” wika ni JC.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naikukumpara si JC kay Ahron Villena na naba-bash ngayon dahil pinaasa raw si Kakai Bautista na beyond friendship ang relationship, ‘tapos ilalaglag lang. Sa Instagram (IG) post ni Ahron, paulit-ulit na sinabing friends lang sila ni Kakai na ikinadismaya ng followers nila.

Pero matutuwa ang fans nina JC at Jessy dahil in-announce na magkakaroon sila ng pelikula sa Star Cinema. Excited na si JC na sa big screen naman mapanood ang JC-Jessy love team.

Anyway, dahil tapos na ang taping ng teleserye, makakapag-focus si JC sa promotion ng album niya sa Ivory Music.

(Nitz Miralles)