Leni at Kris copy

INAKALA ng maraming followers ni Kris Aquino na nagpahabol siya ng taping para sa KrisTV nang mag-post siya nitong nakaraang Miyerkules sa kanyang social media accounts ng video ng mga kuha sa kanila ni Cong.Leni Robredo.

Nakasaad kasi sa caption ng post na, “I wasn’t asked, I VOLUNTEERED. Sharing with you some of our Behind The Scenes.

We shot at their QC condo yesterday. Mami-miss kong mag-interview & Home Tour, it felt good that my last for the time being was with her.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Why am I for @lenirobredo? I believe in her sincerity. I admire her humility. I respect her desire to give true public service with no personal ambition. I trust her with my sons’ future.” 

Pero ang kinunan noong Martes, Marso 15, ay hindi para sa KrisTV o sa anumang TV show. Iyon ay personal schedule ni Kris na inilaan para sa TV commercial (TVC) na magsisilbing suporta at endorsement niya para kay Leni.

Kandidato si Leni bilang vice president ni Mar Roxas, ang standard bearer ng Liberal Party ng administrasyon ni Pres. Noynoy Aquino. 

Matatandaan na maging nang kumandidato si Leni bilang kinatawan ng 3rd District ng Camarines Sur noong 2013 ay nagtungo si Kris sa Bicol para tumulong sa kampanya.

Kinontak namin si Kris at sa pamamagitan ng text messaging ay nainterbyu namin siya, exclusive.

 

Bakit si Leni ang napili niyang suportahan?

“I read this quote from Arianna Huffington: ‘Presidential elections are about more than choosing the leader of the country. They are also about choosing what kind of country and people we want to be...’

“I choose to support Leni Robredo because she’s what I want to be... She’s a lawyer, she’s a a good and loving mother, she is simple... 

“Tumatak sa akin what she said about her marriage, in 25 years never sila nag-away kahit petty fight ni Sec. Jesse. I see in her selflessness and the desire to give true public service.

Sasama ba siya sa sorties ni Leni?

“I can’t promise to join sorties -- kalaban ng hypertension ko ang init at pagod.”

Tuloy ang pabagu-bago at taas-babang blood pressure ni Kris. Nitong nakaraang Miyerkules ng gabi habang nagpapalitan kami ng messages, nabanggit niya na 146/90 ang BP niya, at 135/100 nang ulitin. Kahapon, naka-schedule siyang sumailalim sa check-up para sa medical clearance to travel. 

Ano ang mga nagbago sa routine at pakiramdam niya pagkatapos ng last taping niya sa KrisTV noong nakaraang linggo?

“Marami akong work this week, Kuya Dindo. March 20 pa ang start ng wellness vacation.”

Itinanong ko rin kung itutuloy niya ang minsang nabanggit niya sa akin na balak niyang bumalik sa pag-aaral. Anong course?

“Yes, I will study. Secret muna how and where and what.” 

Saan sila magbabakasyon nina Josh atBimby ngayong Holy Week?

“Akin na lang, please kung saan kami magre-rest.”

Last question, pinapipirma ba siya ng new contract ng ABS-CBN o lilipat siya ng network pagbalik niya sa limelight?

“Let’s take things one day at a time, please.”

Oo nga naman. (DINDO M. BALARES)