Patay ang isang 54-anyos na karpintero nang masagasaan at kaladkarin ng 14-wheeler truck sa kanyang paghinto, sakay ng kanyang bisikleta, sa traffic light sa Parañaque City, nitong Martes ng gabi.

Idineklarang dead on the spot ang biktimang si Neptali Gonzales, residente ng 472 Tulia St., Wildcat Village, Barangay Usuan, Taguig City, matapos mabasag ang bungo at magkalasug-lasog ang katawan.

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa Parañaque Prosecutor’s Office ang driver ng truck na si Glenson Geras, 24, ng Tigbo, Norzagaray, Bulacan.

Sa ulat ng Parañaque Traffic Department, dakong 7:10 ng gabi nang masagasaan ng 14-wheeler truck (UVC 388) ang biktima na sakay ng bisikleta na tumigil dahil umilaw ang pulang signal ng traffic light sa southbound lane ng Roxas Boulevard sa Barangay Tambo.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Nagulungan ang biktima at nakaladkad pa ito ng ilang metro kasama ang kanyang bisikleta.

Agad sumuko sa awtoridad si Geras matapos ang insidente.

Nagdulot naman ng matinding traffic sa Roxas Boulevard ang insidente. (Bella Gamotea)