Dawn-Zulueta_JIMI-copy.jpeg

PUNUMPUNO ng Dawn Zulueta fanatics ang studio ng Tonight With Boy Abunda nang mag-guest ang magaling at walang kupas pa rin sa gandang aktres.

Ayon kay Dawn, biglaan nga lang daw ang guesting niya.

“Last night lang ako nasabihan. Alam mo naman ang mga fans na ‘yan, halos every day, eh, inaalam nila ang mga pupuntahan ko. Sa shooting nga o sa taping, eh, magugulat ka na lang, biglang and’yan na sila,” sey ni Dawn.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kahit may mga bago nang iniidolo at tinitilian ngayon, hindi pa rin nagpapakabog ang fans ni La Zulueta. Ani Dawn, karamihan sa masusugid niyang tagahanga ay ilang taon nang sumusuporta sa kanya.

Pero may fans din siya na mas nakababata kaysa kanya. Ang mga ito ang higit na excited sa bagong pelikula niyang Love Me Tomorrow na si Piolo Pascual ang leading man niya.

“Well, dito sa movie naming ito ni Piolo, eh, I’m beginning to get to know the young generation. I mean, ‘yung culture nila. At least I am lucky kasi at my age, I was given this project to do naman, something different,” sey pa ng premyadong aktres.

Kadalasan daw sa ginagawa niyang projects ay mellow drama at mother roles, pero sa movie niya with Papa P, dapat siyang maging proud sa papel niya, huh!

Matagal na rin pala naman niyang pinapangarap na makasama makatambal si Piolo. Kaya nang binanggit daw sa kanya na ito ang makakasama niya sa next movie niya, excited and happy agad siya.

“Sino ba ang hindi matutuwa? He is a dream boy, a gentleman. Plus, he is just so charming and very so nice,” sey pa ni Dawn.

Samantala, naintindihan na rin naman daw ngayon ni Dawn kung bakit may older women na nagkaka-love affair sa higit na mas bata sa kanila.

“I think it is something that we should embrace. Pero para sa akin, eh, I see it this way, kung wala rin naman tayong attachment, eh, what’s wrong? Edad lang naman ‘yan,” napatawang banggit pa ni La Zulueta. (JIMI ESCALA)