Patay ang isang 76-anyos na lola habang kritikal naman ang kanyang 75-anyos na amiga matapos silang mahagip ng isang delivery truck sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Malabon Traffic Division ang namatay na si Juanita Espejo, na dead on arrival sa Valenzuela Medical Center.

Ayon sa imbestigasyon, magkahawak ang kamay na naglalakad ang dalawang biktima sa MacArthur Highway sa Barangay Potrero, Malabon, nang mahagip sila ng isang humahataw na delivery truck, dakong 4:30 ng umaga.

Ayon sa sugatang biktima na si Conchita Antotia, galing sila sa palengke nang maaksidente.

Dahil sa lakas ng pagkakabundol, nagtalsikan ang mga pinamili ng dalawa sa kalsada.

Politics

Nasa 900 pulis, naka-deploy sa paligid ng Senado sa pag-convene ng impeachment court

Nakatakas ang driver ng van subalit agad na napaligiran ng mga tambay ang dalawang pahinante nito na agad na inilipat sa kustodiya ng pulisya. (Ed Mahilum)