ALIW na aliw kami sa kuwentuhan ng mga kaibigan naming nakakasama ng mga artista sa out of the country shows. Marami pala talaga silang kalokohang ginagawa sa katwirang ito lang ang pagkakataon nila para gawin ang anumang gusto nila dahil walang nakakakilala.

Ang kuwentuhan nila ay ang mga artistang lalaki na nag-show sa isang maunlad na bansa.

“Akala nila porke’t nasa first world country ay walang makakakilala sa kanila, eh, ang malas nila, maraming Pinoy sa lugar. Actually, hindi rin namin alam kasi hindi naman mga kababayan natin ang nag-imbita para mag-show, ibang lahi kasi curious sila kasi sikat nga sila.

“After the show, nagpahinga lang, ‘tapos kanya-kanyang lakad na ang mga loko. Alam mo naman kung ano’ng hanap nila, narinig ko pa nga, gusto nu’ng isa (matangkad na aktor), blonde raw, ‘yung isa naman mulata basta may kanya-kanya silang trip nu’ng gabing lumabas sila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“’Tapos iba na naman the other night, tatlong gabing sunud-sunod silang lumabas, eh.

“’Tapos, napansin namin, ‘tong dalawa hindi pala sumasama. Inakala naming, kasama, hanggang sa nakasabay namin silang mag-dinner at tinanong namin kung bakit hindi sila kasama sa grupo. Sabi ni _____ (hindi katangkarang aktor), wala siya sa mood at pagod siya. Sa unang gabi ‘yun, ha? So understandable. ‘Tapos si _____ (matangkad na aktor), same rin, wala sa mood at pagod, so okay lang din naman.

“’Tapos tinanong namin kung kumusta ang second night, umiling sila, wala rin daw, zero sila, so nagtataka na kami ng mga kasama ko kasi bakit ganu’n. Kaya tinanong namin kung saan sila nagpunta o kung natulog na lang ba sila.

“Sabi ni _____ (hindi katangkarang aktor), nag-dinner daw sila, I forgot the resto, eh. ‘Tapos nag-wine lang daw sila hanggang sa naubos nila ‘yung isang bote ‘tapos bumalik na ng hotel at natulog.”

Sa madaling salita, hindi mahilig gumimik ang dalawang aktor na nag-wine lang?

“Eh, baka nga hindi nila type ang foreigner, may ganu’n, eh. Baka gusto Pinay pa rin at saka may kanya-kanyang girlfriend sila, so faithful sila, ganu’n ang drama nila,” sagot sa amin.

Pero iyong ibang aktor na parang nakakawala sa kural ay nakita pala ng Pinay chambermaid sa hotel na ginawan ng milagro, kaya hiyang-hiya kasi nagpa-picture pa.

“Ayaw sana nila, eh, nakiusap at nangakong hindi naman daw sila itsitsismis,” kuwento ng isang friend naming.

“Chos! Maniwala ka naman na hindi magtsitsismax ‘yung chambermaid, siyempre ikukuwento niya sa mga kasama niya roon.

“Kaya tawa kami nang tawa. Sabi namin, ‘Hayan, mga hayok kasi sa laman, karma,’ ha-ha-ha.

“Naku, mahihilig pala sa babae sina _____ at _____, pero dito kesyo walang mga dyowa, lalo na si _____ (matangkad na aktor). Actually siya ang pinaka-bet ng lahat, sunod si _____ (medyo malaking katawan na aktor) kasi mahusay daw,” masayang kuwento sa amin ng mga kaibigan namin.

Ngayong inilabas namin ang lihim ng mga actor na ito, behave na kaya sila sa next show nila sa ibang bansa na dinig namin ay aalis ulit?

Dedma na kung sinu-sino ang mga artistang bida sa blind item namin at ‘pag nabasa nila, bukelya sila, ha-ha-ha.

(Reggee Bonoan)