Ni REGGEE BONOAN

APEKTADO ang ilang viewers ng FPJ’s Ang Probinsyano sa background music ng first night nina Joaquin (Arjo Atayde) at Carmen (Bela Padilla), bakit daw pang-horror.

Kitang-kita na hindi masaya ang unang gabi ng pagsasama nina Joaquin at Carmen dahil damang-dama ang takot ng huli sa sinabi ng una na, “Ako na ang masusunod ngayon, tayong tatlo lang nina Junior ang pamilya, walang ibang taong makikialam.”

At ang malaking katanungan, bakit daw napangisi si Joaquin pagkatapos nilang mag-make-love ni Carmen? Ano raw ang binabalak nito sa asawa?

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Ayaw magkuwento ni Arjo sa amin kung bakit ganoon ang ikinikilos ng character niya dahil ayaw niyang i-preempt ang kuwento. Ang sabi lang niya, “Asawa ko na ngayon ang biyuda ni Ador (Coco Martin).”

Oo nga naman, ano kaya ang gagawin ni Carmen kapag nalaman niyang second husband niya ang pumatay sa kanyang unang asawa. So, Sleeping With The Enemy ito.

Samantala, sa tumatakbong kuwento ng Ang Probinsyano ay hinahanap ng team ni Cardo (Coco) ang mga batang dinudukot para kunin ang internal organs at kung sino ang nasa likod nito.

Lalo tuloy hindi makabitaw ang viewers sa serye sa pag-aabang sa mga susunod na mangyayari. Ito ang dahilan kaya hindi bumababa ang ratings nito sa 40% plus.

Hmmm, trulili kaya ang narinig namin na matagal pa ang tatakbuhin ng Ang Probinsyano dahil wala pang programang handang ipalit dito?Maganda naman talaga, tadtad ng commercials at mataas ang ratings, paano mo nga naman papalitan ito. Kasi, higit sa lahat, matinding pressure ito sa programang papalit, if ever.

Well, puwede namang tumakbo ng dalawang taon ang Ang Probinsyano, di ba, Bossing DMB?

(Hangga’t nakikisali sa creative department si Coco, hindi mauubusan ng magaganda at bagong idea ang production nila. --DMB)