Tiwala si dating Justice secretary at ngayo’y senatorial candidate Leila de Lima na aangat pa sa survey ang pambato ng Liberal Party (LP) na sina dating Interior Secretary Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Ayon kay De Lima, hindi bumaba ang numero ng dalawang pambato ng Liberal Party (LP) bagamat  may kabagalan ang pag-angat ng mga ito.

“Steady naman although slow, ang improvement sa rating ni Secretary Mar at Congresswoman Leni. We can see na steady ang magiging improvement ni Secretary Mar and it would be fast enough to be able na manaig si Mar and the Daang Matuwid coalition,” ani De Lima.

Aniya, may bentahe ang dalawa kumpara sa mga kalaban dahil buo ang makinarya ng partido, mula sa baranggay hanggang sa pambansang kampanya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aminado rin si De Lima na malaki ang magiging epekto ng pagpabor ng Supreme Court sa kandidatura ni Senator Grace Poe sa pagkapangulo.

Aniya, natural lang na tumaas ang  rating ni Poe, pero hanggang doon na lamang ito at hindi na aangat pa. - Leonel Abasola