Ni ADOR SALUTA

DAHIL sa mataas na ratings ng The Story of Us, nagkaroon agad ng pangalawang presscon ang bagong Primetime Bida serye para maipakilala ang iba pang kasama sa cast ng mga bidang sina Kim Chiu at Xian Lim na todo-pasalamat sa suporta ng madlang pipol sa kanila.

“It’s doing very good at masaya kami sa lahat ng sumusuporta sa amin and then sobrang nakaka-excite gawin ang teleseryeng ito kasi pumupunta talaga kami doon at kuwento siya ng totoong OFW,” bungad ni Kim.

“’Yun ngang Twitter at Instagram ko pumuputok siya every night, notifications ko. Parang one year din ako nawala sa teleserye and then now every after episode ang daming tweets, so nakakatuwa.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Trending topic din ang serye dahil sa pagkakasali ni Bryan Andres, nakababatang kapatid ng young actress na si Sofia Andres. Marami ang sumusubaybay sa bata dahil ngayon lang may nai-feature sa soap opera na isang batang may down syndrome and yet nakakaarte!

“Kami sa set sobra kaming na-attach sa kanya, sobrang lambing kasi niya, napakalambing na bata. ‘Pag hug, sobrang genuine na hug, ‘tapos sasabihin niya ‘I love you, Ate Kim.’ Sweet talaga, ‘tapos tatabi siya sa ’yo sa dressing room, malambing talaga siya, sobra,” kuwento ni Kim.

Maraming televiewers na ginugulat si Brayn dahil parang natural itong umaakting. Pero hindi lang viewers ang natutuwa kay Bryan, masaya ang lahat sa set kapag kasama nila ang bagets.

”Bata kasi siya, eh, nag-nine pa lang siya, so mahirap pero most of the times ‘pag nagawa niya lahat kami sa set, ‘Yehey!’ ‘Good job, good job!’ sasabihin niyang ganon, so tawa kami nang tawa.”

Of course, ang  sister ni Bryan na si Sofia ang pinaka-proud na ate for him. 

“I’m so proud of him,” sabi ng young actress tungkol sa kanyang little brother. “Grabe, napanood ko po siya kagabi, really cute. Siyang-siya talaga kung sino ‘yung napapanood sa teleserye nila Ate Kim.” 

Matagal na palang gustong maging artista ni Bryan.

“’Yun talaga siya, eh, every time na nagti-taping ako nando’n siya, nanonood siya. ‘Ate gusto ko artista, gusto ko artista.’ Sabi ko, ‘Okay.’ Feeling ko gustong-gusto niya ‘yung ginagawa niya and everyday sasabihin niya sa akin, ‘Ate, taping mo tomorrow, taping mo tomorrow?’ Ang cute niya, para siyang normal talaga na tao na gustung-gusto niya ang ginagawa niya,” pahayag ni Sofia tungkol sa kapatid.