ANKARA, Turkey (AP) – Sinabi ng health minister ng Turkey na 37 katao ang namatay at mahigit isandaan ang nasugatan sa isang suicide car-bomb attack sa kabisera.

Naniniwala ang mga awtoridad na ang pag-atake nitong Linggo ng gabi ay isinagawa ng dalawang bomber – isang babae at isang lalaki – at iniutos ng mga militanteng Kurdish.

Iniulat ng state-run Anadolu Agency na ilan dosenang pinaghihinalaang militante sa katimogang lungsod ng Adana ang idinetine ng pulisya kahapon.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo