Hindi pa nakikilala ang mga suspek na nanloob sa bahay ng kilalang radio DJ sa Barangay 171 sa Camarin, Caloocan City nitong Biyernes.

Ayon sa mga imbestigador, pinaniniwalaang dalawa ang suspek nanloob sa Hello Kitty-themed na bahay ng radio DJ na si Nicole Hyala, na nakatuklas sa krimen matapos silang umuwi sa Hill Crest Subdivision pagkagaling sa outing sa Subic sa Zambales, ayon kay Chief Insp. Leo Ong.

Natangay ng mga suspek ang mahigit 10 cell phone at iba pang gadgets, tatlong LED TV set, at nasa P300,000 halaga ng Hello Kitty collection.

Ayon sa pulisya, pera marahil ang sadya ng mga suspek, ngunit nang walang matagpuan ay tinangay na lang ng mga ito ang mga gamit sa loob ng bahay ng DJ.

National

Ex-VP Leni Robredo, tatakbong alkalde ng Naga City

Nag-iimbestiga pa ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Ed Mahilum)