Mga laro sa Lunes

(Rizal Memorial Baseball Stadium)

8:30 n.u. -- UST vs AdU

(Softball Finals, Game 2)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

12 noon – DLSU vs ADMU

(Baseball Finals, Game 1)

Kumampay palapit ang Adamson Lady Falcons sa pag-angkin ng kanilang ikaanim na sunod na kampeonato sa naitalang 9-2 panalo kontra University of Santo Tomas sa Game One ng kanilang best-of-three final showdown sa UAAP Season 78 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Dahil dito, liyamado ang Adamson sa pagratsada ng Game Two sa Lunes ganap na alas-9 ng umaga.

"I told the players to set aside the thoughts of losing the game lately. Huwag maging negative," pahayag ni Adamson coach Ana Santiago. "Sinabi ko rin sa kanila na just don't lose hope and always believe in yourselves. I'm glad they are physically and mentally prepared on this game."

Halos hindi makagulapay ang Tigresses, ang koponang tumapos sa historic 73-game run ng Lady Falcons, sa ipinamalas na opensa.

Nagtala ng dalawang RBIS si Riezel Calumbres na siyang nagpasimula ng kanilang limang run sa fourth inning para iangat ang koponan sa 6-2, kalamangan.

Umiskor din si Lorna Adorable at Gelyn Lamata ng tig-2 RBIs habang na-struck out ni Annalie Benjamen ang apat na batters ng Tigresses.

Samantala, nakatakdang ganapin sa Lunes ang paggagawad ng mga individual award para sa mga outstandings performer ng Season 78.

Kabilang sa mga pagkakalooban ng parangal sina Cristy Joy Roa ng UST bilang Best Hitter, Queeny Sabobo ng Adamson na tinanghal sa ikalawang sunod na taon bilang MVP bukod pa sa pagiging Best Slugger, Most RBI at Most Homerun, ang kanyang kakamping si Gelyn Lamata ma katabla niya sa Most Homerun, Kristine Joy Lacuna ng UST para sa Most Stolen Base, Annalie Benjamen para sa Best Pitcher at Aime Watson ng National University bilang Rookie of the Year.

(Marivic Awitan)