Patay ang isang lalaki na presidente ng isang homeowners association sa kanilang lugar, matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa Caloocan City, nitong Martes ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Nodados Hospital si Aligria Majacudom, 62, pangulo ng Pagasa Homeowners Association at naninirahan sa No. 175 North ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng cal. 45 sa likod at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kuwento ng mga testigo, bandang 10:30 ng umaga, abala ang biktima sa pag-aayos ng gamot sa botika ng kanilang barangay nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Matapos matiyak na patay na ang kanilang target, tumakas na ang mga suspek at pinaharurot ang kanilang motorisklo na walang plate number.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sinisilip pa ng mga pulis kung may kinalaman sa pagiging opisyal ng homeowners ang motibo sa pagpatay kay Majacudom.

(Orly L. Barcala)