PARANG ikakasal si Andrea Torres sa suot na gown at may bitbit pang wedding bouquet sa presscon ng pagbibidahang The Millionaire’s Wife. Sa story ng Afternoon Prime na magpa-pilot sa Moday, March 14, ikakasal si Andrea kay Robert Arevalo, kaya naging in character siya. Nanghinayang lang siya na hindi niya naihagis ang boquet sa press people.

Labis-labis ang pasasalamat ni Andrea sa GMA-7 sa magagandang project na ibinigay sa kanya at worth it daw ang paghihintay niya na mabigyan uli ng teleserye. Bonus sa kanya na magaling ang director niyang si Albert Langitan at magagaling ang co-stars niya gaya nina Robert at Jaclyn Jose.

Daring ang mga eksena ni Andrea sa The Millionaire’s Wife dahil bukod sa love scene nila ni Mike Tan na siya ang pumatong sa kapareha, may eksena rin siyang nagpapadede sa kanyang anak.

“Pero walang dapat ipag-react ang viewers dahil walang boobs na masisilip. Alam naman naming afternoon ang time slot namin. Tiniyak ni Direk Albert na hindi magrereklamo ang MTRCB. Saka ‘yung eksena namin ni Mike na ako ang nasa ibabaw, it was technically done naman, hindi malaswa,” sabi ni Andrea.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, sa presscon lang ng The Millionaire’s Wife nalaman ni Andrea na choice siya ni Direk Mark Reyes na gumanap bilang Danaya na ginampanan ni Diana Zubiri sa Encantadia. ‘Kaso, nauna na nga siya sa The Millionaire’s Wife.

“No regrets kundi ako nakasama sa Encantadia, maganda naman ang kapalit na project. Alam ng management kung saan ako dapat ilagay at masaya ako sa The Millionaire’s Wife. Maganda ito at sigurado akong magugustuhan ng tao,” pagtatapos ni Andrea. (NITZ MIRALLES)