MANANAIG ang katotohanan at pagpapatawad dahil magkakaayos na ang dating magkaribal na sina Joanna (Miles Ocampo) at Trixie (Julia Barretto) upang maisalba ang kanilang buhay mula kay Dexter (Jay Manalo) sa huling linggo ng And I Love You So.

Nang makuha na ang mga ari-arian ni Alfonso (Tonton Gutierrez), tatakas si Katrina (Angel Aquino) kasama ang kanyang anak na si Trixie at lalayo kay Dexter upang masolo ang perang nakamkam. Ngunit bago pa sila makaalis, madadakip ni Dexter si Trixie at pagtatangkaang patayin ang dalaga. Pero makakatakas si Trixie at hihingi ng tulong kay Joanna.

Agad siyang pupuntahan ni Joanna.

Mailigtas kaya ni Joanna mula sa panganib si Trixie o parehong mabibingit sa kamatayan ang kanilang buhay? Ano ang gagawin ni Katrina upang hindi magtagumpay ang masasamang plano ni Dexter?

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Samantala, abangan sina Julia Barretto, Miles Ocampo, Iñigo Pascual, at Kenzo Gutierrez na makipista at magpadama ng taos-pusong pasasalamat para sa mainit na suporta ng mga manonood sa And I Love You So sa Kapamilya Karavan sa Araw ng Davao 2016 ngayong Sabado (March 12), 4pm sa SM City Davao.

Tutukan ang huling linggo ng And I Love You So, tuwing hapon sa ABS-CBN.