barbie_forteza_1433823542 copy

SI Barbie Forteza ang tinanghal na Best Actress sa katatapos na Director’s Week Section ng 36th Porto International Film Festival na ginanap sa Porto, Portugal. 

Kaya umani si Barbie ng pagbati mula sa mga kasama sa noontime show nilang Sunday Pinasaya nitong nakaraang Linggo.

Hinangaan ang mahusay na pagganap ni Barbie bilang Badjao woman sa Laut na idinirek ni Louie Ignacio. Binigyan din ng special mention citation sa festival awards night ang movie.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Naitanong namin noon kay Barbie, sa set ng That’s My Amboy nang malaman namin na nominated siya, kung dadalo ba siya ng awards night sa Porto, Portugal.

“Gustung-gusto ko po, kasi hindi pa ako nakakapunta roon,” sagot ng young actress. “Pero mahirap po akong umalis kahit ng ilang araw lang dahil nagti-taping kami ng rom-com namin ni Andre Paras, na advance ang taping dahil aalis kami for a series of shows with Tito Jose (Manalo) ang Tito Wally (Bayola) sa USA sa Holy Week, plus live ang aming

Sunday Pinasaya.

“Pero wish ko po na sana mapanood ng moviegoers ang aming movie dahil ang story ito tungkol sa plight ng mga Badjao, isang eye-opener at heartbreaker for me. At sana iyong mga makakapanood, matulungan nila ang mga kapatid nating Badjao. At maraming-marami pong salamat sa aming producer ng BG Productions at writers, kay Direk Louie, na sa akin nila ibinigay ang role na ito. Isa pong malaking karangalan sa akin na magampanan ito.”

Kabaligtaran ng seryosong role ni Barbie sa Laut ang character naman niya as Maru sa That’s My Amboy na away-bati sila lagi ni Bryan (Andre).

“Salamat din po kay Alden Richards, na pumayag mag-guest sa aming episode na mapapanood ngayong Wednesday, March 9, kahit po very busy ang kanyang schedule. Gaganap siya as himself at pag-uusapan nila ni Bryan ang kani-kanilang lovelife. Sila po ng girlfriend niya at si Bryan naman, ang tungkol sa pagpapanggap namin na mag-girlfriend/boyfriend.

“May kilig at laglagan din ang eksena. Matututwa naman ako, as Maru, na makilala nang personal ang sikat na actor na si Alden, at magtataka ako kung bakit naging friends sila, eh, ang sama-sama ng ugali ni Bryan samantalang napakabait naman ni Alden.”

Mamaya na po iyan, after ng Little Nanay.

Congratulations kay Barbie Forteza! (NORA CALDERON)